Spoken Poetry
"Lapis" Dilaw, mahaba at pula ang dulo, unang panulat na ginamit ko sa aking kwaderno. Madalas ito ang palagi kong hawak, laging nag-iisip kaagapay ng malawak kong utak. Salamat sa lapis dahil ikaw ang aking naging sandata, sanadata upang makagawa ng tula tungkol sa ating dalawa. Lapis na kahit saan ay lagi kong bitbit, para pag may mga pagkakataon ako mukha mo naman ang aking maiguhit. Pero bakit kung kaylan ikaw na ang aking inspirasyon, bigla naman nawala ang iyong atensyon. Ang magagandang araw na sana ay napalitan ng lungkot, mga araw na para bang nakakaiyamot. Ang larawan mo na pinipilit kong binubuo, ay hindi ko na alam kung ano ang magiging dulo. At ang tula nating dalawa na lagi kong sinusulat ay naging magulo at di maintindihan ang sukat. Pero aking napagtanto na may dahilan pala kung bakit lapis ang ginamit ko, dahil ang pulang bagay na nasa dulo nitk at siyang makakatulong pala sa akin para mawala ang nadarama ko. Lapis! Isang uri ng panulat na may ka...