Poems: Tagalog

"Kapwa ko kaibigan"

Ang pagmamahal ko sa kanya
Ay walang kaparis,
Walang sobra, walang labis.
At di rin nagmamalabis.

Ang aking kapwa ay maasahan.
Siya ay itinuring ko nang kaibigan,
Dumarating sya sa oras ng kagipitan,
Mapuntahan lamang ang kaibigan.

Ano mang suliranin ang dumating,
'Di nito masisira ang pagkakaibigan natin.
Ano mang paninira nila sa atin,
'Di ko na papansinin.

Ano man ang sabihin ng iba,
'Di ako maniniwala sa kanila.
Pagkat sa ating dalawa,
Mananaig ang pagkakaibigan diba?

Ito'y munting paalala lang kaibigan,
Na tayo'y may pinagsamahan,
Anong problema man ang dumaan,
'Di natin ito aatrasan.

Comments

Popular posts from this blog

Reaction Paper about ABNKKBSNPLAko?! A Movie Adaptation

Spoken Poetry